Cavite – Patay sa pananambang si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.
Ito ang kinumpirma ni Calabarzon Police Chief Edward Carranza.
Sa inisyal na impormasyon, alas-3:15 ng hapon kanina, Sabado (July 7), sakay ng isang Toyota Hilux na may conduction sticker na YV4077 ang bise alkalde nang bigla itong paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa labas ng isang Korean hospital sa Brgy. Luciano.
“Bigla pong may dumaang sasakyan along Trece-Indang Road in Brgy. Luciano. May isang sasakyan going to Indang pinaputukan ang sasakyan ni Vice Mayor Lubigan,” ayon kay Carranza sa isang panayam sa radyo.
Sa ngayon ay wala pang ibang detalye pero hinala ng hepe ng Region 4-A, politikal ang motibo sa pamamaslang.(Remate News Team)