Vice mayor at isa pa, todas sa ambush sa Cavite

Vice mayor at isa pa, todas sa ambush sa Cavite

July 7, 2018 @ 5:12 PM 4 years ago


Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang bise alkalde sa Barangay Luciano, Trece Martires City, Cavite ngayong hapon.

Ayon sa paunang impormasyon ng Police Regional Office – 4A, nangyari ang pamamaril kay Vice Mayor Alexander Lubigan y Cruz sa harap ng isang Korean hospital sa Trece-Indang Road ng nabanggit na barangay.

Patay rin ang kasamahan ng bise alkalde na si Romulo Guillemer.

Dakong alas-3:17 ng hapon nang ratratin ng humarang na itim na Montero ang sasakyan ng opisyal. Patungo sanang Indang, Cavite ang mga biktima nang mangyari ang ambush.

Agad na namatay si Lubigan habang naisugod pa sa General Emilion Aguinaldo Hospital si Guillemer pero binawian din ng buhay.

Patuloy nang inaalam ng mga otoridad ang posibleng motibo at nasa likod ng krimen.

Nangyari ang pamamaril sa lokal na opisyal, ilang araw matapos na mapatay sina Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote. (Jeff Gallos)

PHOTO BY: PRO-4