Vice, naiinis sa mga co-host, lalayasan ang It’s Showtime?

Vice, naiinis sa mga co-host, lalayasan ang It’s Showtime?

October 11, 2022 @ 12:02 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Lalayas na nga ba sa It’s Showtime ang isa sa mga host nito na si Vice Ganda?

Ito ang paksang tinalakay ng magpartner na sina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang programang Ichika Mo Na, Daliii!

May isang linggo na raw na hindi sumisipot ang Unkaboggable Star sa nasabing noontime show ng ABS-CBN.

Ayon kay Mama Loi, naulinigan niyang aalis si Vice Ganda dahil naiinis daw ito sa mga co-hosts niya.

As for Ogie, hindi raw niya alam na may ganitong isyu, bagay na ayaw paniwalaan ng partner given their closeness to each other.

Dating manager ni Vice Ganda si Ogie yet despite their falling out ay nanatili  silang magkaibigan.

Pero tanong ni Mama Loi: ano ang bagay na maaaring ikainis ni Vice Ganda sa mga kasamahan sa trabaho?

This time ay pumiyok na si Ogie.

Anito, hate daw ni Vice Ganda ang mga co-host na laging absent sa show, o ‘di kaya’y absent pero wala namang maipaliwanag na valid excuse sa kanilang pagliban, o ‘di kaya’y hindi consistent pagdating sa attendance.

Alalahanin daw ng mga co-hosts ni Vice Ganda na importante ang kanilang presence sa show para may ka-banter o kabatuhan ng linya ang komedyante.

Obvious naman kasing si Vice Ganda lang ang halos bumabangka all throughout the show.

Laylay nga ang show pag wala si Vice Ganda, na siyang bumubuhay ng bawat pananghalian.

Assuming na lalayas si Vice Ganda sa It’s Showtime, bitbit din ba niya ang karelasyong si Ion Perez dahil co-terminus ang drama?

Abangan, madlang pipol! Ronnie Carrasco III