Vice, naiyak kay Hipon!

Vice, naiyak kay Hipon!

August 2, 2022 @ 6:37 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Talaga namang nakuha ni Herlene Nicole “Hipon” Budol ang puso ng mga tao sa performance nito sa ginanap na Binibining Pilipinas last night, July 31, 2022.

From introducing herself, to the question and answer portion, the crowd went wild!

Pero ang gumulat sa lahat, mismong ang Phenomenal Superstar na si Vice Ganda ay aminadong naiiyak para kay Hipon.

Napa-tweet pa nga si Vice and said, “E ‘yung naiiyak ako para kay Hipon! Waaaahhh! Love you Herlene!”

Hindi lang ang netizens ang natuwa sa tweet ni Vice, mismong si Herlene appreciated it at hindi napigilang i-repost ito.

“Isang malaking karangalang ma-tweet ako ng isang Phenomenal and Unkabogable Meme Vice,” caption ni Budol with heart emoji.

Truly, malaking porsyento hindi lang ng crowd kundi ng buong Pinas ang nakuha ni Herlene.

Sino ba namang hindi makaka-relate sa kanya? Very masa pero pagdating sa pageant, naku, naging sopistikada!

Congrats Binibibing Pilipinas 1st Runner Up, Hipon! You deserve the crown. Paula Jonabelle Ignacio