Vice, natutong mag-behave kay Ion!

Vice, natutong mag-behave kay Ion!

January 28, 2022 @ 8:13 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Sa pinabagong entry sa vlog ni Dra. Vicki Belo, naitanong kay Vice kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay.

Ani Vice, anuman daw trabaho na ibinibigay sa kanya ay ginagalingan niya dahil ang best effort niya ang nagdadala sa kanya sa next level.

Paniwala rin niya na may kaakibat din siyang swerte dahil hindi raw lahat ng nagsisikap ay nagtatagumpay.

Bahagi rin daw ng kanyang tinatamasang tagumpay ay ang bukaspalad na mga taong tumulong sa kanya.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, naibida  niya na marami rin siyang heartaches na pinagdadaanan sa pakikipagrelasyon.

Kaya hindi raw siya bitter sa buhay ay dahil mas iniisip niya na may pinagsaluhan naman silang ligaya ng kanyang exes.

Kahit may jowa na, bumu-booking pa rin daw siya sa iba noon, kapag napagtanto niyang hindi naman buong nasusuklian ang kanyang ibinibigay na paglingap.

Kumbaga, dahil sa karanasan, masasabing parang naging wais na raw siya sa pakikitungo sa mga lalake.

Sa kaso raw ni Ion, chill-chill lang daw sila sa simula pero nang lumaon ay lumalim na ang kanilang relasyon. Ito rin iyong pagkakataong na-realize nila na mahal nila ang isa’t-isa.

Biggest challenge raw sa kanilang relationship ang pamba-bash na natatanggap sa mga taong hindi boto sa kanilang relasyon. Ang pambabatikos daw na ito ang dahilan kung bakit muntik nang mag-quit sa showbiz si Ion.

Natuto rin daw siyang mag-behave nang dumating si Ion at never nakipag-flirt sa ibang hombre.

Sa sorpresang tanong naman ni Derek Ramsay via video, tinanong ang komedyante kung may ambisyon ba siyang pumalaot sa pulitika.

Ani Vice, ayaw daw niyang magsalita nang tapos.

Pero sa ngayon daw ay isang big ‘no’ ito para sa kanya lalo pa’t hindi naman niya larangan ang pulitika. Archie Liao