Vice Presidential Security and Protection Group pakikilusin ng AFP

Vice Presidential Security and Protection Group pakikilusin ng AFP

June 25, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado ang pagpapakilos sa Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) para kay Vice President elect Sara Duterte-Carpio.

Inihayag ng AFP na ang VPSPG ay ang inilaang unit na magsisiguro sa kaligtasan at seguridad ng bise presidente ng Pilipinas at kanyang pamilya.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino ang activation ceremony nitong Biyernes sa AFP General Headquarters kasama ang ibang ranking officials.

Gayundin, itinalaga ni Centino si Lt. Col. Rene Giroy bilang unang VPSPG group commander.

Ang VPSPG ay ang dating Vice Presidential Security Detachment na nakakabit sa Presidential Security Group. 

Sa naturang aktibasyon, ang VPSPG ay isa nang hiwalay na unit at pinangungunahan ng O-6 grade officer (rank of Colonel/Navy Captain).

“The AFP saw it fitting to provide the Office of the Vice President a dedicated unit that shall ensure the safety and security of the second-highest elected official in the country,” pahayag ni Centino. 

“I am confident that the newly-designated acting VPSPG commander and the rest of the officers and enlisted personnel entrusted to ensure the safety, security, and welfare of the vice president and her family shall perform their responsibilities to the best of their abilities,” dagdag ni Centino. RNT/SA