Vice prexy ’di lang ‘spare tire’ kahit ‘di miyembro ng Gabinete- Sotto

Vice prexy ’di lang ‘spare tire’ kahit ‘di miyembro ng Gabinete- Sotto

March 21, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni vice presidential aspirant Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Linggo na na makatutulong ang isang bise presidente na mamuno sa bansa kahit na wala itong pwesto sa Gabinete.

“Una sa lahat, hindi naman talaga spare tire talaga ang pangalawang pangulo kung alam mo ang gagawin. Kahit hindi ka bigyan ng posisyon. With the clout of the Office of the Vice President, marami ka magagawa,”aniya.

Sa ilalim ng Article 7, Section 3 ng Konstitusyon, maaaring italaga ang bise presidente bilang miyembro ng Gabinete.

Base sa mga naunang panayam, sinabi ni Sotto na kontra siya sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, sa kadahilanang hindi pa umano ito kinakailangan.

Gayundin, inilahad ni Sotto na hindi siya pabor sa tandem votin, o pagpili ng ticket kaysa sa indibidwal na pagboto sa mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

“In the Philippines, (there are) 64 million voters, we will allow the presidential candidate na siya ang magbubuo ng (select the) Vice President? 64 million Filipinos ‘yun po dapat ang bumoto kung sino ang gusto niyang maging leader ng bansa, ‘di ba,” giit ni Sotto. RNT/SA