Vice tinawag na mga demonyo ang mga tsismosa

Vice tinawag na mga demonyo ang mga tsismosa

August 18, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Makatawag-pansin ang recent post ni Vice Ganda.

Wala naman siyang pahaging pero obyus na meron siyang pinagdaraanan.

At kung ‘di ba naman wala ay bakit bumaha ng words of concern ang post niyang ‘yon mula sa mga close friends niya sa showbiz?

Isa lang tuloy ang hinala ng marami: may kaugnayan ang emote na ‘yon ng TV host sa relasyon nila ni Ion Perez.

Isa raw sa mga araw na ito’y inaasahang may mahalagang anunsyo si Vice Ganda sa kanyang social media account, o sa It’s Showtime mismo.

Kahapon ay hindi na nakapagtimpi si Vice Ganda na pasaringan ang mga nang-iintrigang hiwalay na sila ni Ion.

Aniya on air, “Mga tsismosa kayo! Hiwalay na raw kami ni Ion? Mga demonyong ‘to!”

Nilinaw ng Unkaboggable Star na kailangan lang daw nila ni Ion na magbalanse.

Kasalukuyang nasa Japan si Ion kasama ang kanyang pamilya, habang siya raw ay nasa Bohol also with his family.

First time daw nilang ginawa ito nang manalasa ang pandemic.

Samantala, ang relasyong Vice Ganda-Ion ang pinaksa ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na with her two co-hosts.

Nanindigan si Cristy na hindi siya naniniwalang hindi pera ang habol ni Ion sa karelasyon nito.

Ito’y sa kabila ng paulit-ulit na pahayag ni Ion na totoong mahal niya si Vice Ganda.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III