Vice, umaming hindi natatawa kay Anton Diva!

Vice, umaming hindi natatawa kay Anton Diva!

December 7, 2021 @ 8:40 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Sa pinakabagong entry sa kanyang vlog, ipinakita ni Vice Ganda ang leisure trip nila sa Times Square sa New York, USA kasama ang Beks Battalion members na sina Lassie at MC minus Chad.

Sa naturang segment, napagtripan nilang kumain ng halal food sa nasabing lugar.

Sumalang din sila sa kakaibang challenge na ‘sino ang ihahalal ni Vice’ kung saan may babanggitin silang description ng tao at kung sino ang bet nilang i-nominate.

Sa first category kung sino ang pinaka-chaka sa mga kakilala nila, inilaglag nina Vice Ganda at MC si Lassie na kanilang ini-nominate.

Sa bakla namang komedyanteng may pinakamabahong hininga, unanimous ang naging choice nila na walang iba ito kundi si Chad Kinis.

Sa kategoryang komedyanteng hindi nakakatawa sa comedy bar, naging nominado sina Anton Diva, Janelle Jamer at Inday Garutay.

Para kay Vice, hindi raw nakakatawa si Anton dahil mas magaling itong singer.

Sa katropa naman nilang hindi nagbabayad ng utang at wala na silang balak pautangin, nagkakasundo sila sa kanilang sagot sa pagsalaula kay Donita Nose.

Pero, kambyo naman ng It’s Showtime host, masaya raw naman siya kay Donita Nose sa estado nito ngayon dahil sa halip na mangutang ay ito na raw ang nagpapautang.

Kung naging lalake raw naman sila, hindi papatusin nina Vice at MC si Lassie samantalang ang ininomina naman ng huli ay si Chad. Archie Liao