Vico Sotto, suki ng fake social media accounts

Vico Sotto, suki ng fake social media accounts

August 1, 2020 @ 12:13 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ilang buwan na rin ang nakararaan nang pinanawagan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagkaroon niya ng fake account sa Twitter.

Ngayon naman ay tinututukan niya ang isa pang fake account sa Facebook gamit ang kanyang pangalan.

Sa verified social media account ni Mayor Vico ay pinost niya doon ang pekeng FB account at saka siya nagbigay ng babala sa kanyang mga followers.

Sinabi ni Mayor Vico na mag-ingat sa mga fake accounts at kung hindi sigurado ay ituring itong peke.

Dagdag pa ni Vico, na agad daw itong i-report sa Facebook at kung may friends kayong naka-follow sa fake account ay pagsabihan ito.

Pinaalalahanan din niya ang mga netizens na mag-ingat sa mga fake accounts dahil kadalasan ay nanloloko raw ito at nangii-scam ng mga tao.

“’Wag niyong hayaan na sila naman ang mahingan ng load,” biro pa ni Mayor Vico sa mga nagpa-follow sa kanyang pekeng account. Joey Sarmiento

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...