Vico, tinabla ang mga produ!

Vico, tinabla ang mga produ!

September 27, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines- Ngayon pa lang ay sina-sound off na ni Pasig City Mayor Vico Sotto that he’s not cut out for showbiz.

Nahingan kasi ng reaksyon si Vico kung ano ang kanyang masasabi now that his half-sister Tali ay artista na rin.

“I’m just too proud of her,” sey ni Vico of Tali who’s cast in a sitcom with their father Vic and wife Pauleen Luna.

So, is it his turn to try showbiz this time?

Aniya, hindi raw. Hanggang VTR lang daw siya.

“Alam naman ng mga magulang ko na hindi talaga ako pang-showbiz,” katwiran ng mayor na kung tutusi’y merong artista looks.

Heads up na rin ‘yon sa sinumang producer, both TV and film, na magtatangkang kunin ang serbisyo niya sa pag-arte.

Dito mapapatunayan na hindi lahat ay genetic o hereditary.

Tulad din ng ama niyang si Bossing Vic who’s not destined to be in politics.

Ilang beses na nga bang inuurutan si Vic na pumalaot sa pulitika?

In other words, ang kasabihang “Like father, like son” doesn’t necessarily hold water. Ronnie Carrasco III