Vico Sotto umalis na sa Aksyon Demokratiko

Vico Sotto umalis na sa Aksyon Demokratiko

November 2, 2022 @ 3:53 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa grupong Aksyon Demokratiko si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ay dahil hindi na umano niya kaisa ng hangarin sa politika at ideolohiya ang mga kasamahan sa grupo.

Nitong Hunyo pa ay maugong na ang usap-usapan ng pag-alis ni Sotto sa Aksyon Demokratiko kung saan siya ay tumatayo ring executive vice president nito.

“I joined Aksyon Demokratiko in 2018, in search of a reform-oriented political party that stood for principled politics and inclusive governance. I became Mayor in 2019, proudly under the banner of Aksyon Demokratiko,” pahayag ni Sotto sa kanyang resignation letter na may petsang Hunyo 30, 2022.

“Unfortunately, recent events have made it apparent that the party is now headed towards a different direction,” dagdag niya.

Hindi na idinetalye pa ni Sotto kung ano ang mga naganap sa tinutukoy niyang pagkakaiba na ng political goals.

“To me, this defeats the purpose of being a member of a political party,” giit pa ng alkalde.

“For this reason, I have decided to resign as a member of Aksyon Demokratiko, effective immediately,” dagdag niya.

Nilinaw naman ni Sotto na ang kanyang pagbibitiw sa partido ay walang kinalaman sa kahit na sinong personalidad o kandidato.

“I maintain the highest respect for the party’s leadership and members. It is, in part, because of this respect that I decided to delay my resignation until after the 2022 National and Local Elections,” pagtatapos niya.

“I will always be grateful for the opportunity to share in Aksyon Demokratiko’s advocacies. I wish the party and its members continued success,” dagdag ni Sotto. RNT/JGC