Victory liner bus bumaliktad sa Isabela

Victory liner bus bumaliktad sa Isabela

August 23, 2022 @ 2:44 PM 1 month ago


NAGUILLAN, ISABELA- Bumaliktad ang isang pampasaherong victory liner bus sa national highway ng Brgy. San Manuel, Naguilian, Isabela.

Ayon kay PMAJ. Jurneil Perez,hepe ng PNP Naguilian, patungong south direction ang bus mula Tuguegarao City nang mangyari ang insidente.

Maswerteng agad na naisugod sa pagamutan ang anim na pasahero ng nasabing bus.

Ayon sa bus driver na si Jerome, hindi niya nakontrol ang brake ng minamanehong bus kaya nangyari ang pagbaligtad dala na rin sa madulas kasabay ng pag-uulan ng bagyong Florita.

Habang isinusulat ang balitang ay patuloy ang isinasagawang pag-asiste ng pulisya sa mga pasahero at daloy ng trapiko sa lugar.

Samantala, kinukumpuni na ng mga tauhan ng ISELCO 2 ang poste na natumba matapos bumangga ang bus. Rey Velasco