Video ng paglilinis ng Japanese fans sa FIFA – viral!

Video ng paglilinis ng Japanese fans sa FIFA – viral!

June 27, 2018 @ 11:05 AM 4 years ago


Viral ang video ng paglilinis ng fans ng Japan sa FIFA World Cup games sa Russia.

Dahil dito, sinimulan na ng iba pang fans mapa-anong team pa at bansa na magtulungang linisin ang mga kalat sa stadium.

Matatandaan, Japanese supporter din ang nag-viral na naglinis ng stadium noong 2014 World Cup sa Brazil.

Bukod sa Japan, sumunod na rin sa paglilinis ang ilang fans mula sa Uruguay, Senegal, at Colombia na makikita sa mga video na may bitbit na malaking trash bag at nagpupulot ng mga pinagbalatan ng mga pagkain at mga cheering props. (Remate News Team)

Japan fans nagpulot ng kalat pagkatapos ng laban sa World Cup