Vietnam naghahanda na sa hagupit ni Karding

Vietnam naghahanda na sa hagupit ni Karding

September 26, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


VIETNAM – Matapos manalasa sa bansa, naghahanda na rin ang Vietnam sa hagupit ng bagyong Karding.

Inaasahan na sa hilaga at gitnang bahagi ng bansa tatama ang bagyo makaraang kumilos ito sa direksyong pa-hilagang kanluran.

Sa 10AM bulletin nitong Lunes, Setyembre 26, namataan ang sentro ng bagyong Karding sa layong 740 kilometro mula sa Hoang sa Islands, Vietnam at may lakas ng hangin na 134 hanggang 149 kilometro kada oras.

Nitong Linggo, ipinagbawal na ng Thua Thien Hue province ang paglalayag ng nasa 2,000 bangka pangisda mula sa 11,350 na mga mangingisda.

Nakahanda na rin ang pamahalaan ng Vietnam na ilikas ang nasa 26,255 pamilya kung kinakailangan.

Ang Department of Industry and Trade sa Vietnam ay naghanda na ng 100 tonelada ng noodles at 100 tonelada ng bigas para sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo. RNT/JGC