Vietnamese nalulong sa online sabong, nabaon sa utang, nagpakamatay

Vietnamese nalulong sa online sabong, nabaon sa utang, nagpakamatay

February 18, 2022 @ 4:15 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Winakasan ng isang Vietnamese national ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner matapos na maburyong nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city.

Sa ulat ni PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10 ng umaga ng Pebrero 16, 2022 nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Nguyen Minh Luan alyas Jomar Torres Chua, 35, businessman sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Adante St. Brgy. Tañong.

Kaagad ni-report ni saksi ang pangyayari sa Malabon Police Sub-Station 6 na rumesponde sa naturang lugar kung saan narekober ng mga ito sa pinangyarihan ng insidente ang isang madilaw na likido sa plastic cup na naglalaman ng umano’y silver cleaner.

Bandang alas-8 ng umaga ng nasabi ring petsa nang huling nakitang buhay ang biktima sa kanyang apartment ng saksing si Daisylyn Samonte, 29, vendor.

Sa panayam sa kanya ni PSSg Caco, sinabi naman ng isa pang saksi na si Gee Kay Legaspi, 42, teller ng Pitmaster On line Sabong na nagkaroon ng maraming utang ang biktima sa iba’t-ibang personalidad dahil sa “online sabong” at problemado din aniya ito dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya na nakabinbin sa Office of City Prosecutor ng Malabon. Boysan Buenaventura