Vigan City napasok na ng ASF

Vigan City napasok na ng ASF

August 28, 2021 @ 10:54 AM 10 months ago


ILOCOS SUR- Kinumpirma ng Department of Agriculture Region 1 na mayroon ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Vigan City.

Ito ay matapos magpositibo  ang siyam na whole blood sample ng mga baboy mula sa Brgy. Pantay Fatima ng naturang lungsod.

Dahil dito agad na iniutos ng mga kinauukulan ang agarang pag-depopulate  sa mga naapektuhang baboy at pati na rin ang mga baboy na na-expose within 500 meter radius from the infected premises.

Sa ngayon ay inaasikaso na ng City Government ang mabilis na pamimigay ng indemnity fund sa mga apektadong hog owners. Rolando S. Gamoso