Vigan City pinalawig ang MECQ

Vigan City pinalawig ang MECQ

June 5, 2021 @ 4:32 PM 2 years ago


LAOAG CITY, Philippines – Pinalawig ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Vigan City sa Ilocos Sur hanggang Hunyo 19.

Ayon kay Vigan Mayor Juan Carlo Medina, ito ay upang patuloy na mapigilan ang pagkalat ng sakit sa lungsod batay sa executive order no. 46.

Ito ay matapos makapagtala ng 31 bagong kaso ng sakit nitong Mayo 31, pinakamataas na bilang na naitala sa lungsod sa loob ng isang araw.

Una nang isinailalim sa dalawang linggong MECQ ang Vigan City nitong Mayo 22 dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID.

Sa kabila ng mas mahigpit na restriksyon, patuloy ang pagdami ng bilang ng sakit sa lungsod.

Nitong Mayo 23 naiulat ang 59 bagong kaso habang 138 naman nitong Hunyo 3.

Kahapon, Hunyo 4 nagtala naman ng 12 bagong kaso.

Kinonsiderang “critical zones” sa sakit ang Vigan City na pinakamataong lungsod sa Ilocos Sur. RNT/ELM