Villanueva bukas sa ibang posisyon sa 2022 elections

Villanueva bukas sa ibang posisyon sa 2022 elections

July 15, 2021 @ 11:24 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Kinokonsidera ni Senator Joel Villanueva ang muling pagtakbo bilang senador ngunit bukas sa iba pang posisyon sa susunod na eleksyon.

“Yes, ‘yun ang plano ngayon. Siyempre, we don’t want to close doors [to other posts]. Ang filing [ng Certificate of Candidacy} naman is October pa,” ani Villanueva sa isang panayam ng ANC.

Lahad ng senador na may mga panawagang nais itong patakbuhin bilang gobernador ng Bulacan.

“Open naman tayo sa lahat but for now, the plan is to run for reelection,” punto ni Villanueva.

Sinabi pa ng Villanueva na nagkasundo sila nina Senators Sherwin Gatchalian at Juan Miguel Zubiri na magkasamang mangampanya sa 2022 sa muling pagtakbo bilang senador.

Ayon pa sa senador, nakipag-usap na ang Nationalist People’s Coalition kina Senator Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Sina Pacquiao at Moreno ay matunog na kandidato sa pagka-presidente sa 2022.

Aniya pa na bukas ang NPC na makipagkaisa sa iba pang malalaking partido para sa susunod na eleksyon.

Sakaling muling tumakbo sa pagka-senador, ikalawang termino na ito ni Villanueva kung saan una itong nahalal noong 2016.

Siya ang ikalawa sa pinakabinotong senador noong 2016 elections. RNT/ELM