Masayang piknik nauwi sa pagdadalamhati; 13-anyos, tigok sa ilog

June 29, 2022 @8:08 AM
Views:
6
ILOCOS SUR- Nauwi sa pagdadalamhati ang masayang piknik ng isang pamilya matapos malunod ang isa sa mga miyembro nito sa Amburayan River sa Brgy. Bio, Tagudin ng lalawigang ito kahapon.
Kinilala ang biktima na si Trisha Mae Garcia Alano, 13, 2nd year high school, residente ng Brgy. Cabugbugan, Tagudin, Ilocos Sur.
Ayon sa Tagudin Municipal Police Station, ang pamilya ng biktima ay nagpunta sa Amburayan River para magpiknik.
Nang mag-dive ang biktima para maligo, bigla itong hinatak ng malakas na kuryente o pressure ng tubig at dinala ito sa malalim na bahagi ng ilog.
Tinangkang iligtas ng kanyang mga kapamilya ang biktima at agad din silang humingi ng tulong sa MDRRMC Tagudin para hanapin ito pero hindi nila makita ang biktima.
Makalipas ang ilang minuto ay natagpuan nila ang biktima kaya agad nila itong isinugod sa ospital.
Gayunman, ang biktima ay ideneklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso
DOH: Requirements muna bago release ng COVID health benefits

June 29, 2022 @7:54 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Muling hinihimok ng Department of Health (DOH) ang lahat ng health facilities na isumite ang lahat ng documentary requirements para sa pagbibigay ng healthcare worker benefits na may kaugnayan sa COVID-19.
Kabilang dito ang klasipikasyon ng CREC (COVID-19 Risk Exposure Classification), mga pagpapatunay at Memorandum of Agreement.
Ang Liquidation Reports na sumasaklaw sa anumang nailipat na pondo mula sa DOH ay dapat ding isumite sa kani-kanilang DOH Centers for Health Development (CHDs).
Ang napapanahong pagsusumite ay magpapadali sa agarang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA); Meals, Accommodation, and Transportation (MAT) allowance; at One COVID-19 Allowance (OCA) na pondo sa ating mga healthcare workers at frontliners na karapat-dapat na mabayaran sa oras.
Hinihimok ng DOH ang lahat na gawin ang kanilang bahagi tungo sa layuning ito.
Gaya ng binanggit sa Commision on Audit (COA) Circular No. 2012-001 na may petsang Hunyo 14, 2012, ito ay isang pangunahing prinsipyo na ang lahat ng mga paghahabol laban sa mga pondo ng pamahalaan ay dapat suportahan ng kumpletong dokumentasyon.
Higit pa rito, ang parehong COA Circular ay nag-aatas na, para sa anumang mga bagong paglilipat ng pondo, ang mga pondong nauna nang inilipat sa ahensyang nagpapatupad – ang mga health facilities sa kaso ng SRA, MAT, at OCA – ay dapat munang ma-liquidate at ma-account.
Ang pinakahuling datos na nakalap ng Department of Health (DOH) Metro Manila Center for Health Development (MM CHD) ay nagpapakita ng mga sumusunod na halaga na hindi pa rin nalilinaw ng mga pribadong health facilities: PhP 68 milyon ng SRA sa 117 na pasilidad sa kalusugan; PhP 21 milyon ng MAT sa 39 na health facilities; at PhP 145 milyon ng OCA sa 56 na health facilities.
Mayroon ding 10 local government units na hindi pa nakakaliquidate ng pinagsamang halaga na PhP 101 milyon sa lahat ng tatlong benepisyo, at 3 national government hospitals na hindi pa nakakaliquidate ng PhP 30 milyon ng SRA.
“The DOH is following established government accounting rules and regulations meant to ensure that the public funds for COVID benefits reach each and every healthcare worker they are meant for,” sabi ni Health Undersecretary and Chief of Staff Leopoldo J. Vega.
“The DOH is more than willing to guide PHAPI on policies that aim to ensure appropriate use of government funds. We also invite PHAPI and other interested healthcare worker groups to please join our regular forums where we provide updates on the status of the benefits,” dagdag pa ni Vega. Jocelyn Tabangcura-Domenden
13 patay, aktibong kaso ng COVID sa Pinas lagpas 7,000 na!

June 29, 2022 @7:40 AM
Views:
5
MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 576 na bagong impeksyon sa COVID-19 noong Martes habang ang bilang ng mga aktibong kaso ay tumaas sa 7,192, ang pinakamataas mula noong huling bahagi ng Abril.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nasa 3,702,319 na ang kabuuang bilang sa buong bansa.
Ang bilang ng mga nakarekober ay nasa 3,634,596, habang ang bilang ng mga nasawi sa bansa ay tumaas ng 13 hanggang 60,531.
Ang mga rehiyon na may pinakamaraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 4,078, sinundan ng Calabarzon na may 1,448, Western Visayas na may 717, Central Luzon na may 552, at Central Visayas na may 400.
Nasa 17.8% ang rate ng bed occupancy ng bansa, habang hindi bababa sa 5,251 na kama ang okupado, at 24,275 ang bakante noong Linggo, Hunyo 26.
Hindi bababa sa 18,595 na indibidwal ang nasubok, na may 328 testing laboratories na nagsumite ng data noong Hunyo 27. RNT
Bamboo Month kada-Setyembre isinabatas ni Duterte

June 29, 2022 @7:26 AM
Views:
9
MANILA, Philippines – Idineklara ng Malakanyang na “Philippine Bamboo Month” ang buwan ng Setyembre kada taon base sa Proclamation No. 1401 na tinintahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes.
Kinikilala ni Pangulong Duterte ang pangangailangan na itanim sa kamalayan ng mga Filipino ang kahalagahan ng bamboo plant at produkto nito.
“I, Rodrigo Roa Duterte, President of the Republic of the Philippines, by virtue of the powers vested in me by the Constitution and existing laws, do hereby declare the month of September of every year as Philippine Bamboo Month,” ang nakasaad sa proklamasyon.
Sa nasabing proklamasyon, binigyang direktiba nito ang Philippine Bamboo Industry Development Council (PBIDC) na pangunahan at i-promote ang pagdiriwang sa Philippine Bamboo Month at i-identify ang mga programa, proyekto at aktibidad para sa taunang selebrasyon nito.
“All other agencies and instrumentalities of the national government, including government-owned or -controlled corporations and state universities and colleges are directed and all local government units, relevant non-government organizations and civil society groups, as well as the private sector, encouraged to support the PBIDC,” ang nakasaad pa rin sa proklamasyon.
Sa kabilang dako, ipinalabas naman ang Executive Order No. 879 noong 2010 na lumikha sa PBIDC na naglalayong
i- promote ang product development ng bamboo o kawayan at paghusayin pa ang market access sa bamboo products, sa layuning mapanatili at mapalakas nito ang bamboo industry.
Ang Bamboo o kawayan ay itinuturing ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang isa sa “right priority industry clusters.”
Ang mga bahagi ng bamboo plant ay ginagamit hindi lamang para sa “nourishment and construction” ng simpleng imprastraktura kundi maging sa pagpo-produce ng world-class furniture at handicrafts. Kris Jose
P’que mayor Edwin Olivarez may COVID

June 29, 2022 @7:13 AM
Views:
10