Villanueva nagpositibo ulit sa COVID-19

Villanueva nagpositibo ulit sa COVID-19

January 28, 2022 @ 11:41 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Muling nagpositibo sa coronavirus disease 2019 si Senador Joel Villanueva base sa resulta ng RT-PCR nitong Huwebes ng gabi.

Sa pahayag, sinabi ni Villanueva na nagpasuri siya vs COVID pagkatapos makaramdam ng lagnat at pananakit ng ulo nitong MIyerkoles.

“Mga kaibigan. Nagpositive po tayo sa COVID sa resulta ng RT-PCR test nitong Huwebes ng gabi, pagkatapos kong makaramdam ng lagnat at pananakit ng ulo noong Miyerkules,” ani Villanueva sa pahayag,

Aniya, kanyang inabisuhan ang lahat ng kanyang  nakasalamuha noong mga nagdaang araw tungkol sa aking kalagayan, at kasalukuyang siyang naka-isolate.

“Dahil bakunado at boosted po tayo, at sa tulong ng panalangin sa Diyos, malaki po ang tiwala ko na malalampasan natin itong balakid na magpatuloy ang trabaho natin sa Senado,” ani Villanueva.

“Kaisa po tayo sa lahat ng mga manggagawa na araw-araw nakikipagsapalaran sa pandemya para maghanap-buhay. Kayo po ang inspirasyon ko para patuloy kong masuportahan ang inyong kapakanan bilang Empleyado sa Senado,” dagdag ng mambabatas.

“Patuloy po tayong mag-ingat! Pagpalain po tayong lahat ng ating Panginoong Diyos. Maraming salamat po,” patapos ng senador. Ernie Reyes