Villanueva sa economic managers: Layunin ng Maharlika fund, linawin

Villanueva sa economic managers: Layunin ng Maharlika fund, linawin

February 3, 2023 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dapat bigyang-linaw ng economic managers should ng bansa ang mga layunin at prayoridad ng kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bills, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva nitong Huwebes.

Kasunod ng unang hearing ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies sa Senate Bill No. 1670 at House Bill No. 6608, sinabi ni Villanueva maraming dapat linawin.

“Una sa lahat, kailangan pong linawin ng ating mga Economic managers kung ano po ba talaga ang mga objectives at priorities ng pondong ito, at kung anong modelo ng isang sovereign fund ang nais nating tularan,” pahayag niya.

Inihayag din ng senador ang pagkaalarma sa pagkalugi gaya ng Norway at Singapore sa kanilang sovereign funds. Iginiit niya na dapat maging maingat ang Pilipinas.

“Dahil po mas kakaunti ang ating mga resources kumpara sa mga bansang ito, mas lalo pa po tayong dapat maging mabusisi para ma-minimize natin ang mga insidenteng ito,” pahayag niya.

Sinabi rin ng mambabatas na dapat busisiin ang pagtatalaga sa Land Bank of the Philippines at sa Development Bank of the Philippines (DBP) bilang permanent members ng MIF Board of Directors dahil pwede umanong mag-pull out ng  investments ang mga ito pagkatapos ng limang taon.

Sa ilalim ng mga panukala, kabilang ang Land Bank at DBP sa pagkukunan ng pondo para sa MIF.

Gayundin, iminungkahi ni Villanueva na limitahan sa limang taon ang “re-engagement” sa external auditors upang maiwasan ang insidente na nangyari sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Magugunitang nagtalaga ang Pagcor ng third-party auditor na may “credibility issues.”

Para kay Villanueva, ang upper chamber “still has a long way to go” bago makalusot ang MIF sa panel.

“We still have a long way to go before we can pass this measure in the committee level and we thank the committee for giving the Senators ample time to study and make sure that this measure will be for the benefit of the Filipino people,” aniya. RNT/SA