Villar sa LGUs: Magtayo ng farm schools sa mga agri towns

Villar sa LGUs: Magtayo ng farm schools sa mga agri towns

April 15, 2019 @ 2:24 PM 3 years ago


Carranglan, Nueva Ecija – Hinimok ni re-electionist Senator Cynthia Villar ang lokal na lider ng mga agricultural town sa buong bansa na tulungan ang kanilang mga magsasaka na maging mas higit na “competitive” sa pamamagitan ng pagbubukas ng farm schools.

Sa kanyang pagbisita sa Carranglan, Nueva Ecija para sa 10th Gintong Butil Festival, sinabihan  ni Villar si Mayor Mary Abad na hikayatin ang farm owners sa  kanilang lugar na gawing learning sites ang mga bukirin.

“These farm schools will help farmers to learn for free modern ways of farming that will enable them to increase productivity and incomes and reducing their production cost,” ani Villar.

Iprinisinta rin ni Villar kay Abad ang aklat na naglalaman ng 2,855 tourist farm schools sa buong bansa. Ito ay kanyang ipinalilimbag kada taon dahil sa nadadagdagan ang bilang ng farm schools. 

Bilang accredited TESDA learning site, sinabi ni Villar na sa pagsasanay sa 25 mag-aaral, kikita ang farm owners ng P100,000 sa bawat  buwan 

Kinikilala ang Nacionalista Party Senator sa paglago ng farm schools sa bansa. Siya ang may-akda ng Republic Act 10816 o ang Farm Tourism law na humihimok sa maliliit na magsasaka na gawin ang kanilang mga bukirin na tourist farms at learning sites para sa agriculture and tourism courses.

Naniniwala si Villar na ang farm tourist schools ay magiging pangunahing contributor upang maibalik ang maliligayang araw ng agrikultura sa bansa.

Binanggit din niya ang potensiyal nito na madagdagan ang kita ng mga taong sangkot sa agrikultura at ang pagkakaroon ng “pool of farmers” na may edukasyon sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Ernie Reyes