Villar tinanghal na ‘most influential’ potential Senate candidate – survey

Villar tinanghal na ‘most influential’ potential Senate candidate – survey

July 12, 2021 @ 3:29 PM 1 year ago


Nanguna si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa listahan ng “most influential” potential candidate para sa Senado sa darating na 2022 elections pagdating sa social media atmainstream media Facebook pages influence, ayon sa isang research company.

Si Villar ang nanguna sa listahan ng 23 most influential political personalities sa social media sa iskor na +34 percent, base sa isinagawang independent study ng WR Numero Research na isang technology-driven public opinion at data analytics company.

Sumunod naman dito sina Senator Risa Hontiveros na may +15 at Taguig-Pateros First District Representative Alan Peter Cayetano sa+10.33 percent.

Pasok din ang ilang mga personalidad sa top 10 kasama na sina Atty. Chel Diokno, Presidential Spokesman Harry Roque, Senator Joel Villanueva, Leyte Fourth District Representative Lucy Torres, datingSenator JV Ejercito, Cabinet Secretary Karlo Nograles, at Deputy House Speaker Loren Legarda.

Padating naman sa impluwensya sa personal Facebook pages, si Villar pa rin ang nanguna, sinundad naman ni Roque.

Sina Villar and Torres ang pinaka-influential in mainstream media Facebook pages.

Sa kabilang banda, nangulelat sa listahan si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may iskor na -4.96 percent.

Nasa bandang huli rin sina ANAKALUSUGAN Party-list Representative Mike Defensor at Senator Richard Gordon.

Samantala, sobrang taas naman ng nakuhang negatibong sentumyanto ni Roque sa mainstream media.

Dahil dito, tinanghal siyang least influential political personality sa nasabing kategorya matapos makakuha ng iskor na -52.5 percent. Sinundan naman siya ni Senator Francis Pangilinan sa -13.5 percent.

Ayon sa WR Numero, ang nasabing pag-aaral ay isinagawa noong Abril 20 hanggang Hunyo 5, 2021.

Tinutukan ito sa tatlong kategorya sa Facebook pages kabilang ang mainstream media, alternative media, at official Facebook pages.

Ang mainstream media category ay ang koleksyon ng Facebook pages ng news outlets na “widely considered to be of national significance.”

Kasamang minonitor ang 13 Facebook pages, 2,836 posts, at 6,744,545 engagements para sa potential senatorial candidates sa nasabing kategorya.

Sa alternative media category, ito ay ang koleksyon ng “most popular hyper-partisan Facebook pages” sa bansa na kadakasang gumagaya sa mainstream media aesthetics habang sinasabi nilang mayroon silang “more authentic sources of interpretations of news.”

Minonitor naman dito ang 46 Facebook pages, 688 posts, at888,182 engagements.

Para naman sa official Facebook pages category na koleksyon ng FB pages na opisyal na pinatatakbo ng personalidad o kanyang staff,

Dito ay minonitor ang 20 Facebook pages, 1,861 posts, at8,689,570 engagements. RNT