Vilma, emosyunal sa isyu kay Luis!

Vilma, emosyunal sa isyu kay Luis!

February 16, 2023 @ 10:49 AM 1 month ago


Manila, Philippines- Si Vilma Santos ang naging espesyal na panauhin sa Fast Talk with Boy Abunda sa Valentine episode nito.

Balot ng emosyon ang guesting na ‘yon ng Star for All Seasons, bagay na hindi niya napigilan.

Inalala kasi ni Boy ang linya ng aktres sa pelikulang Dekada 70.

Inamin ni Vilma na nakaka-relate siya sa dayalog lalo’t napapanahon ito sa pagkakasangkot ng kanyang anak na si Luis Manzano sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Depensa ni Vilma, wala raw ibang taong higit na nakakakilala kay Luis kundi siya.
Bilang ina’y nasasaktan daw siya para kay Luis.

“Ang anak ko, tumutulong. Hindi nanloloko,” tahasang sabi ng aktres na umaming hindi raw madali ang pinagdaraanan niya.

Nakailang sorry pa nga si Vilma dahil hindi nga raw niya isinasagi sa kanyang isip ang investment issue involving Luis.

Pakiusap niya, dahan-dahan daw sa panghuhusga kay Luis.

“Teka lang. I know my son,” aniya.

Ang hiling ni Vilma’y guidance o paggabay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga anak niya, the other being Ryan Christian by Congressman Ralph Recto.

“Tito Boy, hindi ko nga ine-entertain ‘yon pero nadale mo ‘ko,” aniya pa.

For Luis’ part, nilinaw na niyang wala na siyang kaugnayan sa Flex Fuel.

Ang mga investors daw na naghahabol ay kailangang papanagutin ang kaibigan at tumayong best man niya sa kasal na si Ildefonso Medel na may pagkakautang din daw kay Luis ng P66 million. Ronnie Carrasco III