Vilma, nag-alala kay Ate Guy!

Vilma, nag-alala kay Ate Guy!

February 28, 2023 @ 8:14 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Gone are the rivalry days between Nora Aunor and Vilma Santos.

Aware pala si Vilma sa rebelasyon ni Nora na tatlong minuto itong “namatay” nang isugod sa ospital noong isang taon.

Ito kasi ang ibinunyag ng Superstar sa Fast Talk with Boy Abunda ilang araw makaraan ang guesting ni Vilma.

Ani Vilma, “I wanted to visit her at the hospital to check on her. But I think she’s getting better and I’m happy for that. Wala na ‘yang mga rivalry-rivalry na ‘yan.”

Sa mga hindi nakakaalam, magkumare ang dalawang aktres.

Inaanak ni Vilma si Kiko, ang adopted son ni Nora.

Samantala, balik acting si Vilma via a reunion movie with Christopher de Leon.

Sa March ang alis ni Vilma para sa shoot ng pelikulang I’m so in Love with You sa Kyoto, Japan. Isa raw love story ito na sadyang ginawa at their present age.

It’s been six years daw noong huling gumawa sila ni Christopher ng pelikula.

Sa ngayon, ine-enjoy raw ni Vilma ang pagiging isang private citizen.

Sa tanong kung babalik siya bilang pulitiko’y bukas ang mga options niya.

Kung hindi naman daw ay gagampanan na lang daw ng Star for All Seasons ang kanyang lola duties sa apong si Isabelle Rose.

Nabanggit nga ni Vilma na nagmana raw sa kanya si Baby Peanut base sa mga pose nito sa tuwing kukunan ng litrato.

Si Baby Peanut o Rosie ay ang firstborn ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.Ronnie Carrasco III