Vilma Santos sa ABS-CBN franchise vote: Walang conflict of interest



Vilma Santos sa ABS-CBN franchise vote: Walang conflict of interest

July 13, 2020 @ 12:00 PM 12 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Walang ‘conflict of interest’ si Deputy Speaker Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto sa kanyang desisyon sa pagpabor sa ABS-CBN’s franchise renewal dahil hindi naman sila ‘stockholder’ ng kanyang anak na si Luiz Manzano.

“Wala naman akong existing na kontrata sa ABS-CBN and I’m not part of the management or the operation of the company,” aniya sa panayam.

Maaalalang isa si Santos-Recto sa 11 na mambabatas na pumabor na pagkalooban ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Si Luis [Manzano] naman, he’s already an adult; meron na siyang desisyon para sa sarili niya and at the same time he’s just a talent. Kaming dalawa ng anak ko hindi naman kami mga stockholders ng kumpanya so wala akong nakikita na conflict of interest do’n, kaya ako bumoto. And as an ex-officio [member] ay karapatan ko na bumoto.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •