Vin at Sophie, nag-panic sa nauntog na anak!

Vin at Sophie, nag-panic sa nauntog na anak!

October 31, 2022 @ 9:21 AM 1 month ago


Manila, Philippines – When a child gets hurt, sampung doble ang katumbas nitong sakit sa mga magulang.

This is exactly what Vin Abrenica and wife Sophie Albert felt when their two-year-old daughter Avianna hit her shoulder sa glass door ng isang mall.

Hindi malinaw kung ano ang dinayo ng couple sa mall pero karay nila ang kanilang anak nicknamed Ava.

Sobrang lakas daw ang pagkakaumpog ni Ava sa pintuan, na ikinapilipit nito sa sakit.

Ani Vin, “Hindi mo malaman kung nasusuka o natatae.”

Ni ayaw nga raw ni Ava na hawakan ang napuruhang balikat.

Nag-panic na ang mga magulang nito.

The couple decided to bring Ava to the emergency room of a nearby hospital.

Laking gulat ng mag-asawa nang mapansing parang walang nangyari sa anak.

Hindi raw kasi ito dumadaing ng sakit.

Surprised, nakapagdayalog tuloy si Vin ng, “Artista ba ‘to?”

Feeling kasi nilang mag-asawa’y nag-iinarte lang ang bata.

“Drama queen!” sey ni Sophie.

Sa loob-loob nila, may pagmamanahan nga si Ava. Ronnie Carrasco III