Vin, pumiyok sa pambababae ni Aljur!

Vin, pumiyok sa pambababae ni Aljur!

September 14, 2021 @ 5:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa vlog ng showbiz couple na Vin Abrenica at Sophie Albert, nagkaroon ng pagkakataon  na usisain nila ang bawat isa sa episode na Questions We Never Asked Each Other.

Sa tanong kung may time ba na pinakialaman ni Vin ang cellphone ni Sophie noong sila’y magdyowa pa, sey ng actor, never raw niya iyong ginawa sa pagkakaalala niya.

Ni-refresh naman ni Sophie ang kanyang memorya at sinabing nangyari iyon sa isang insidente kung saan naimbudo ang aktor tungkol sa text  ng isang guy sa partner about him.

Hindi na naman in-elaborate ng dalawa kung sino ang guy na kinaimbuduhan o pinagselosan ni Vin.

Sa question naman sa bagay na kinaiinisan niya kay Sophie na ayaw niyang mamana ng kanilang anak, ito raw ay ang pagiging burara ng aktres.

Hirit naman ni Sophie,  may tendency din daw maging messy si Vin dahil madalas itong makawala ng mga bagay-bagay.

Depensa naman ni Vin, iba raw ang pagiging burara o makalat sa tendency na makawala ng mga bagay-bagay.

Sa intriguing question naman kung naniniwala ba siyang hindi makakaiwas sa tukso ang isang lalake kung naroon ang temptasyon.

Aniya, unfair daw na i-generalize ang lahat ng mga lalake.

Kaya nga raw may free will ang isang tao,  may choice siya kung magpapadala sa tukso o magiging marupok.

Sa paliwanag na ito ni Vin, may kibitzers namang nag-opinyon na pumiyok umano ito sa pambababae ng kuya niya na waring humihirit na hamak na faithful lover siya kumpara kay Aljur. Archie Liao


  •  
  •  
  •