Vina at Cedric, nagsawa sa away, nagkabati na!

Vina at Cedric, nagsawa sa away, nagkabati na!

March 18, 2023 @ 9:06 AM 1 week ago


Manila, Philippines- May magandang resultang hatid ang nanalasang pandemya.

Nagbunga ito ng maraming realizations sa buhay, that life indeed is short we might as well make the most out of it.

Panahon din ‘yon para hindi magkaroon ng puwang sa ating mga puso ang galit at hinanakit.

This is exactly how the pandemic has changed Vina Morales at ang dating karelasyon na si Cedric Lee.

Pamilyar sa pandinig ang pangalang Cedric Lee dahil malapit ito kay Deniece Cornejo who stòod up against Vhong Navarro.

Ayon sa eksklusibong panayam ng PEP kay Vina ay nagkaayos na raw sila ng ama ng ngayo’y 13 anyos niyang anak na si Ceana.

Matatandaang inihabla ni Vina noong mid-2016 si Cedric dahil walang pahintulot nitong tinangay ang kanilang anak.

That time ay nasa ibang bansa si Vina para magtanghal.

Gumanti naman si Cedric nang sampahan niya ng kasong libelo si Vina.

Ilang taon ding dininig sa korte ang magkahiwalay nilang reklamo sa isa’t isa.

But thanks to the onslaught of pandemic, kapwa na-realize nina Vina at Cedric na mas mahalaga na mas bigyang pansin ang kapakanan ni Ceana.

Ani Vina, “Nanawa na lang kami na awayin ang isa’t isa. Wala na ‘yung kaso, both cases.”

Siyempre, walang ibang pinakamasaya sa nangyaring pagbabati ng dating magkarelasyon kundi si Ceana.

Dagdag ni Vina, “Of course, she’s very happy na finally, her parents are okay. ‘Yun din ang lesson learned ko during the pandemic, that there should be no room for hatred.”

May iba nang karelasyon si Vina at mukhang she can’t ask for more.

“At the end of the day, there will always be something waiting for you out there. Sa ngayon, I can say that I’m more at peace,” saad ng singer-actress. Ronnie Carrasco III