Vince Rillon, bet si Julia Barretto!

Vince Rillon, bet si Julia Barretto!

January 28, 2023 @ 3:33 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Once again ay napasabak sa action ang Vivamax A-lister na si Vince Rillon via Boso Dos.

Hindi na nga bago ang action genre kay Vince dahil pinalakpakan ang manyang perfoemance sa pelikulang Resbak kung saan ay nakuha pa niya ang best actor trophy sa 19th Asian Film Festival in Rome, Italy.

Sa Boso Dos ay hard action na naman ang ginawa ni Vince bukod pa sa mga maseselang sexy scenes na tatak Vivamax.

Wait lang, since medyo nalilinya si Vince sa action, sino ba sa mga current action stars natin ang gusto niyang gayahin?

“Robin Padilla,” mabilis niyang sagot.

“Pero kalahati si Coco Martin. Si Robin sa action tapos si Coco kapag action/drama. Pero ang first priority ko talaga na guato kong gayahin, si Robin,” pagmamalaki pa ni Vince na in fairness ay may dating nga na tipong si Binoe.

Siyempre, kung may action star ay importante rin ang leading lady.

So kung sikat na action star na siya na mala-Robin, sino naman ang gusto niyang maging leading lady kung bibigyan ng chance?

“Siyempre, si Julia Barretto. Pero kahit sino naman pwede kasi mahirap ‘yung may gusto ka na leading lady tapos hindi naman matutupad ang pangarap mo, ‘di ba?” sabi pa niya.

Ang Boso Dos ay tungkol sa mundo ng mga sindikato ng droga at silipin kung paano sila guluhin at paglaruan ng tadhana.

Kasama ni Vince sa pelikulang Boso Dos ang nga Vivamax stars na sina Micaella Raz, Gold Aceron, Amor Lapus, Alvaro Oteyza, Chloe Jenna, Katya Santos, Joel Torre, Ronnie Lazaro at Epy Quizon, directed by Gawad Urian nominated director Jon Red. Streaming na sa Vivamax on February 3, 2023.

Huling hirit namin kay Vince, ano ang aral na pwedeng matutunan sa pelikula?

“Maging mapagmasid, maging alerto, at higit sa lahat, huwag magtiwala sa kahit na sino,” sabi niya. JP Ignacio