Vince Tanada, may death threat!

Vince Tanada, may death threat!

September 8, 2022 @ 12:47 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Marami ang nagulat sa sinabi ng kontrobersiyal na award-winning actor/director na si Vince Tanada dahil sa ngayon ay nakatatanggap na raw siya ng mga death threats.

Marahil ay bunga ito ng kanyang equally controversial movie na Katips na tumatalakay sa mga nabiktima ng martial law noon. Bukod dito ay naging vocal din si Vince sa palitan ng heated words sa pagitan nila ni direk Darryl Yap na nasa likod naman ng pelikulang Maid in Malacanang.

“May mga text messaged na akong natatanggap. Marami from different numbers. Sinasabi sa text na mag-ingat daw ako at ‘wag daw akong lalalbas.

“Meron ding pumupunta sa bahay ng madaling araw, doorbell nang doorbell, naka-cap at naka-jacket.

“Nu’ng una, walang nagbubukas pinto pero nu’ng may nagbukas, wala nang tao.

“Pinag-iingat na rin ako ng NBI dahil sila na rin ang nagsabi na parang seryosong banta na ‘yun dahil sa mga given scenarios,” kwento ni Vince.

In-announce din ni Vince na this September ay magiging busy ang kanilang grupo, kasama ang FAMAS best supporting actor na si Johnrey Rivas, Nicole Laurel at Vean, dahil lilibutin nila ang buong mundo para sa international screening at Katips concert.

Mula September 15 ay lilibutin ng grupo ang Abu Dhabi, Kuwaot, UAE, Bahrain at Oman. Pupuntahan din nila ang Hongkong.

Sa September 19 naman ay nasa Japan ang grupo. Pupunta rin sila sa New Zealand, Wellington at sa Christ Church.

Nasa Australia naman ang Katips group mula October 2. Papasadahan din ng grupo ni Vince ang UK, Switzerland, Zurich at Italy.

By November ay lilibot naman ang grupo sa Merika mula East coast to Weat Coast.

“‘Yan ba ang sinasabi nilang nag-flop? May world tour?” biro pa ni Vince. JP Ignacio