Vince Tanada, may sagot sa kung sino ang pumatay kay Ninoy!

Vince Tanada, may sagot sa kung sino ang pumatay kay Ninoy!

January 27, 2023 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa grand preskon ng ASN as in “Ako Si Ninoy” ay curious but not yellow na natanong ni Yours Truly ang producer, writer at director nitey na si Vince Tanada kung totoo ba ang bulong-bulungan noon at tipong up to now, na hindi kakampi or kamag-anak ng mga nakalaban diumano ang nagpapatay kay Ninoy Aquino?

“Okay sagutin ko na….hindi po ako husgado. Ahh, wala po akong karapatan na …hindi ko rin po nakita yung mga testimonya ng mga testigo kaya wala po akong karapatan na magsabi kung sino nga ba ang totoong pumatay. Hindi rin po natin yon ipinakita dito sa pelikulang ASN.

“Ang ipinakita lang po namin dito sa pelikulang ASN ay yung pagpatay kay Ninoy at yung kabayanihan niya sa kabila ng pagpipigil ng sarili niyang pamilya na huwag bumalik dito sa ating bansa.

“Nagbalik siya dito sa ating bansa para maprotektahan ang ating demokrasya. At kalayaan natin. Yon lang po ang ipinakita namin dito sa pelikulang ASN.”

Sinabi pa ng direktor at writer ng pelikulang “Ako si Ninoy” na ang kaniyang pinakabagong pelikula ay maglalantad ng katotohanan at “pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan”.

Si Juan Karlos or JK Labajo ang gaganap na Ninoy Aquino sa nasabing pelikula ni Direk Vince Tanada na in pernes ay matagal na rin palang artista sa pelikula coz napansin ni Yours Truly na pogi itey at tipong artistahin, wa kyems!

Ang awiting Buwan ni JK Labajo ang ginamit na theme song sa ASN.

Bukod kay JK Labajo ay kasama rin sa cast ng ASN sina Sarah Javier, Sarah Holmes, Marlo Mortel, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Nicole Laurel, JM Yosures, Belle Ibarientos, Vean Olmedo, Jomar Tanada, Brey Luke Quitante, Bodjie Pascua plus may special participation si Jim Paredes, Pinky Amador, Lovely Rivero, Tuesday Vargas. Donita Nose, John Gabriel, Karla Lim, Bryll Mondejar, Grace Lim, Charmaine Suarez, Lance Raymundo, and Ms. Azenith Briones. Mercy Lejarde