Vince Tañada, sinabing ‘evil’ ang Maid in Malacanang, ‘good’ ang Katips!

Vince Tañada, sinabing ‘evil’ ang Maid in Malacanang, ‘good’ ang Katips!

July 30, 2022 @ 4:50 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa August 3, 2022 ang showing ng Katips: The Movie at makakasabay nito ang showing ng Maid In Malacanang.

Ayon kay Vince, ang dalawang pelikula ay labanan between good and evil. At bahala na raw ang mga tao ang maghusga kung aling pelikula ang good at ano ang evil.

Ang tapang ni Vince para sabihin ‘yun, huh! Dahil obvious naman na ang gusto niyang iparating ay ang pelikula nila ang good at evil ang pelikulang gawa ng Viva. Pero pinalakpakan siya sa lakas ng loob niya para sabihin ‘yun.

Dahil sa naging pahayag na ito ni Vince, hindi ba siya natatakot na ma-bash lalo na ng mga supporters ng mga Marcoses?

Sagot niya, “Hindi naman nila ako kailangang i-bash kasi hindi pa nila napapanood ‘yung pelikula, eh. Ang nakakatawa ‘pag sinabing about sa martial law ‘yung pelikula, anti-BBM ka na. Panoorin muna saka nila sabihin kung anti-BBM o anti-Marcos ‘yung pelikula.

“Kapag nakita nila, ‘Ay oo nga, anti Marcos’, doon sila magsimulang mag-bash.

“Ang problema sa mga bashers they are bashing without any basis. Kailangang may basehan muna o may konteksto na sinusunod bago sila mag-bash.”

Paliwanag pa ng award-winning actor at director, kung tungkol man sa martial law ang Katips: The Movie, na siya rin ang sumulat, nagdirek at nag-produce, hindi ibig sabihin nito na galit na sila sa mga Marcoses.

Samantala, sa 70TH FAMAS Awards Night na gaganapin sa Linggo ay nakakuha ng 17 nominasyon ang Katips:The Movie.

Ang dalawa sa bida sa nasabing pelikula na sina Vince at Jerome Ponce ay naminado bilang Best Actor.

Siyempre pa, happy si Vince na napansin ng FAMAS ang beauty ng kanilang pelikula at ang mga nagsiganap dito. Rommel Placente