Vinnie Paul ng bandang Pantera, pumanaw na

Vinnie Paul ng bandang Pantera, pumanaw na

June 24, 2018 @ 2:20 PM 4 years ago


Pumanaw sa edad na 54 ang co-founder at drummer ng metal band na Pantera si Vinnie Paul.

Inanunsyo sa Facebook page ng Pantera ang pangyayaring ito noong Sabado ng umaga. Kinumpirma ito ng Hellyeah, kasulukuyang grupo ni Vinnie, ngunit hindi nila sinabi ang iba pang detalye ng kaniyang pagkamatay.

Binuo ni Vincent Paul Abbott, totoo niyang pangalan, ang Pantera noong 1981 kasama ng kaniyang kapatid na si Darrell Lance Abbott, totoong panagalan ni Dimebag Darrell, na namatay sa pamamaril habang nasa stage kasama ang bandang Damageplan noong 2004.

Ang magkapatid ang bumuo sa Damageplan noong 2003 matapos mabuwag ng Pantera. Sa kasulukuyan, nasa bandang Hellyeah si Paul, isa ring heavy metal supergroup kasama si Mudvayne bilang bokalista at si Nothingface guitarist Tom Maxwell.

“Today, the world not only lost a legend, but also a genuine human being who lived to put a smile on the faces of everyone he met,” sabi ng Hellyeah sa isang statement.

“May he be reunited with his brother as we all strive to continue his legacy.”

Samantala, nagpaulan naman ng pakikiramay ang mga rock and metal community kabilang na ang Slash at mga bandang Disturbed at Megadeth.(Remate News Team)