Vinny Marcos itinalagang special assistant ni Romualdez

Vinny Marcos itinalagang special assistant ni Romualdez

January 30, 2023 @ 9:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasa Kamara na rin si Presidential son Vincent “Vinny” Marcos matapos itong italagang special assistant sa tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez.

Ang bagong posisyon ay kinumpirma ni House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan.

“The truth is, we were advised that Mr. Vincent ‘Vinny’ Marcos had been designated special assistant to the Speaker, and the Speaker merely asked us to brief the young man on the role and work of the House minority bloc,” pahayag ni Libanan na syang unang nagpost sa kanyang social media account ng pagdalo ng batang Marcos sa ilang pulong ng Minority Bloc.

Si Vinny ay isang software engineer na nakabase sa Singapore subalit noong eleksyon ay bumalik ito sa Pilipinas para suportahan ang kandidatura ng kanyang ama na si Pangulong Bongbong Marcos.

Matatandaan na ang nakatatandang kapatid ni Vinny na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ay minsan ding nagsilbi sa tanggapan ni Romualdez bilang miyembro ng legislative staff noong 18th Congress bago ito nanalo bilang congressman ngayong 19th Congress.

Si Rep. Marcos ay kasalukuyang senior deputy majority leader ng Kamara at Vice Chairperson ng makapangyarihang Committee on Rules na syang nangangasiwa sa tHouse rules, legislative procedures,impeachment, order of business, referral ng mga bills, resolutions at committee reports. Gail Mendoza