Paco, Manila – Nahukay ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang vintage bomb habang nagsasagawa ng road at drainage clearing operations sa Paco, Maynila.
Sa report ng Explosive and Ordinance Division (EOD) ng Manila Police District (MPD), isang 81MM Mortar (UXO) ang nadiskubre sa Leon Guinto Street malapit sa kanto ng Apacible Street sa Paco, Maynila.
Nagsasagawa umano ng road at drainage clearing operations ang mga tauhan ng DPWH sa lugar, nang mapansin ni Edmon Dumalat, 28, backhoe operator ng Jedel Enterprise, ang naturang vintage bomb.
Agad itong ipinagbigay alam kay Kagawad Antonio Ramirez ng Barangay 676, Zone 73, na siyang nag-report ng insidente sa mga pulis para tamang disposal at safekerping nito. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)