Vintage bomb nakita sa ginagawang kanal

Vintage bomb nakita sa ginagawang kanal

August 21, 2022 @ 2:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nadiskubre ang isang vintage bomb sa isang ginagawang drainage system sa isang subdivision sa Cainta, Rizal.

Nitong Agosto 19 ng hapon, nakatanggap ang Cainta Municipal Police Station ng tawag ukol sa nasabing bomba na nakita sa kahabaan ng Rose St cor. Daisy St. Midtown Subdivision, Barangay San Andres.

Inireport sa pulisya ng presidente ng nasabing subdivision na si Mario Magsino ang pagkakakita sa vintage bomb na nababalot sa putil.

Kinumpirma naman ng Explosive Ordinance (UXO) ng kapulisan na vintage bomb nga ang nahukay. Agad ding dinala ng UXO sa ligtas na lugar ang bomba para sa disposisyon. Rene Tubongbanua