Vintage bomb narekober sa Baseco

Vintage bomb narekober sa Baseco

March 9, 2023 @ 8:51 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang unexploded ordinance (UXO) o vintage bomb ang nadiskubre habang umuusok sa Baseco Shipyard Corp sa Port Area, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nangongolekta umano ng kalakal si Jan De Nul, Phil. Construction tenant ng Baseco Shipyard Corp nang mapansin ang usok na nanggagaling sa lupa.

Pagkatapos maberipika, may nakita siyang apoy na nagliyab mula rito.

Agad namang iniulat ng sekyu na si Rolly Estelloso sa barangay ang insidente at inireport naman sa pulisya.

Dinala sa MPD-DECU ang pampasabog para sa safekeeping at posibleng disposal. Jocelyn Tabangcura-Domenden