Manila, Philippines – Viral ang isang video ng lalaki matapos itong magalit sa driver ng ambulansiya dahil ito raw ay ‘ISTORBO’.
Sa ipinost na video ng netizen na si Noje Oaruma, kitang-kita na dinuro ng lalaking sakay ng isang Starex Van ang kumukuha ng video na driver ng ambulansiya.
Kwento ng netizen, may emergency itong pasyente mula sa vehicular accident at papunta na itong ospital nang isang sasakyan ang nakipagmatigasan sa kanya sa kalsada.
“Boss sir may pasyente ako emergency (vehicular accident?) kahit tignan mo sa likod, lahat ng kasunod mo nagbigay daan sa ambulansya ikaw lang ang bukod tanging nakipagmatigasan. Nung masala ko na video dun ka lang huminahon at umalis,” ayon sa post nito.
Ayon sa Section 43 Exception to the right of way rule ng Land Transportation and Traffic Code ng Republic Act No. 4136, dapat magbigay daan ang mga sasakyan sa mga police o fire department vehicles at ambulansiya.
Ito mismo ang rason kung bakit may malakas na tunog ang mga sirena nito upang marinig ng mga driver ng ibang sasakyan.
Sinusubukan pang makapanayam ng Remate News Team ang nag-post ng video para malaman ang buong kwento.
I-refresh para sa updates. (Remate News Team)