Viral photo ng kabayong humandusay sa Intramuros, iimbestigahan

Viral photo ng kabayong humandusay sa Intramuros, iimbestigahan

July 14, 2018 @ 4:08 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Iimbestigahan na ng Intramuros Administration ang viral photo ng kabayong humandusay sa Maynila.

Sa ngayon ay pinagsusumite na ng veterinarian’s health certificate ang may-ari ng kabayong nasa litrato.

Huwebes nang pumalo sa halos 2K na reactions, at 10K na shares ang post ng isang concerned netizen na si Haykal Salomon Lorena sa Facebook.

Kalakip ng post nito ang mga katagang: “Preserving culture and heritage is a good thing but when there is abuse and cruelty, i dont want it. #animalcruelty #manila #intramuros 7.7.2018.“

Sa isang panayam, ikinwento ni Lorena na nagpo-photowalk sila ng mga kasama nang mga panahon na iyon sa Intramuros nang bigla nilang marinig ang malakas na paglagapak ng isang kabayo.

Kitang-kita na nanghihina ito at bumubula na ang bibig.

Isang personnel ang pumunta doon at pinigilan silang kunan ng litrato ang kabayo. At sinubukang patayuin ito.

Nang makita na hindi ito sumusunod sa kanya ay bigla niya itong nilatigo.

“The incident affected me. Reflections on society and how we treat animals. From taking photos of heritage and culture leading to this photo. I read that the Intramuros administration acted on the matter and is now talking with PAWS (Philippine Animal Welfare Society). I am hopeful that owners of these horses will have more care. They work together for living, so they need to take care of each other,” pahayag ni Lorena.

“I think that this incident is an eye-opener for people, the community and the government. This would open up discussions for policies and hopefully change for the betterment of all.” (Remate News Team)

Photo Courtesy: Haykal Salomon Lorena