Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos sa Korte Suprema ang umano’y outing ng mga head revisor ng Presidential Electoral Tribunal (PET) at ng revisors ni Vice President Leni Robredo.
Kanina ay naghain na sila sa pangunguna ni Atty. Vic Rodriguez ng 12 pahinang Manifestation of Grave Concern with Urgent Motion to Investigate kasunod ng pag-viral ng mga litrato ng mga revisors ng bise president at 24 head revisors, Alternate Head Revisors, Appraiser, Ballot Box Custodian/handlers at chief tabulator ng tribunal.
Ayon kay Atty. Rodriguez, nakaaalarma ang outing ng mga PET revisors sa 3J’s Resort sa Barangay Pansol, Calamba City Laguna lalo na at dumaan pa ang mga ito sa masusing screenings bago natanggap sa kanilang trabaho.
Dagdag pa nito, malinaw itong paglabag sa batas.
Natuklasan ang Pansol outing noong June 22 nang i-post ng isang Maria Katrina Rosales sa kaniyang Facebook account ang mga litrato na agad ding nag-viral ilang oras bago ito i-delete. (Remate News Team)

Pinayuhan ni Atty. Vic Rodriguez ang dating Senador na si Bongbong Marcos na mag-file sa Korte Suprema ng’Manifestation Of Grave Concern’ para paimbestigahan ang outing ng mga tauhan ng PET (Presidential Electoral Tribunal) kasama ang kampo ni Vice Leni Robredo sa Swimming sa Pansol, Laguna. (Kuha ni Jhun Mabanag)

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG

REMATE FILE PHOTO | JHUN MABANAG
