Viral picture sa kama nina Tony at JC, pinaguusapan!

Viral picture sa kama nina Tony at JC, pinaguusapan!

January 13, 2021 @ 4:03 PM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Maraming fans ang kinilig sa viral pic nina Tony Labrusca at JC Alcantara kung saan ay nakitang nagyayakapan ang dalawang actor sa kama.

 

Naka-post ang nasabing litrato sa official Facebook page ni JC na umabot na sa 9.2 thousand reactions at 1.7 thousand shares.

 

Ang mga litrato na iyun ay patikim pa lang sa kanilang pelikula.

 

Sa isang interview ay sinagot ni JC ang katanungan tungkol sa litrato.

 

“Nakatulog kami no’n. Sobrang pagod na kasi kami, e, kailangan namin i-ano iyong chemistry.

 

“Kumbaga nasa scene kasi kami no’n, pagod na pagod kami and hindi namin in-expect na gano’n na pala, and piniktyuran kami.

 

“Nagulat kami ni Tony na hala, in-upload pala ni Direk Dwein [Baltazar] iyong picture namin.

 

“Ni-retweet ko rin para sa mga fans na rin namin na maging masaya sila kasi sobrang inaabangan na kami ng mga XavMi at JC-Tonics.

 

“Feeling ko tuwang-tuwa sila, mga delulu fans namin! Mga makakalat kong fans! Hahaha!” kwento ni JC.

 

Ikinuwento rin ni JC kung paano siya naging close kay Tony.

 

“Hindi ko siya ine-expect kasi dati, sa ginawa naming series, hindi kami sobrang close. Kumbaga, nag-uusap lang kami ‘pag may work kami.

 

“Pero ngayon, as in sobrang close na kami, kumbaga, best friend in crime, may nabuong friendship sa amin, sa lahat ng cast.

 

“Kasi sobrang friendly ko rin and kaming dalawa lang ni Tony iyong magkasundo sa set.

 

“Kasi, ‘di ba, love team kami? Kailangan naming mag-usap, magkuwentuhan, getting to know each other,” sabi ni JC. Troy Catan


  •  
  •  
  •  

Loading...