Viral QC party, tatalupan ng DILG, DOH

Viral QC party, tatalupan ng DILG, DOH

July 12, 2021 @ 7:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government ang viral video ng isang party na dinaluhan ng maraming tao at may nag-iinuman pa.

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario na nakarating na sa kanila ang naturang ulat at matatandaan aniya na naglabas na noon ang DILG ng memorandum hinggil sa pagpapataw ng parusa sa mga lalabag sa mass gatherings.

Kaya naman ito ay iimbestighaan ng DILG at kung may mapaptunayang responsable sa party ay tiyak na pananagutin.

Sa naturang party na naganap sa isang bar sa Quezon City, dumalo ang ilang social media influencer.

Paalala ni Vergeire, hindi pa rin pinapayagan ang mass gatherings gaya ng mga party sĀ  panahon ng pandemya.

Kaugnay nito, tinitignan na rin ng Quezon City LGU, posibleng legal na aksyonĀ  upang mapanagot ang mga sangkot sa party nang hindi na maulit pa ang insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden