Viral video ng kostumer na nanapak ng rider na walang panukli iniimbestigahan na ng Grab

Viral video ng kostumer na nanapak ng rider na walang panukli iniimbestigahan na ng Grab

January 16, 2022 @ 1:24 PM 4 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Grab Philippines na kasalukuyan nitong iniimbestigahan ang videong isang kostumer na nakipagtalo sa isang food delivery rider dahil wala itong panukli sa kanya.

Batay sa video na pinagkaguluhan online, nagalit ang kostumer sa Grab food rider dahil sa umano’y sinabi ng huli na wala siyang panukli sa ibinayad sa kanya na P1,000.

Lalo pang umigting ang tensyon nang pagtaasan ng boses ng kostumer ang rider na dahilan upang makisali na sa gulo ang asawa ng kostumer.

Bukod sa mga komento sa naturang video, tinawag din nito ang pansin ng Grab Philippines na huwag isawalang-bahala ang insidenteng ito.

“Thank you for bringing this to our attention. Rest assured that this consumer behavior is not tolerated on our platform and investigation is already underway,” pahayag ng Grab Philippines.

“Consumer behavior is not tolerated on our platform. Our teams are already looking into it and are coordinating with the parties involved,” tugon pa ng Grab sa komento sa Facebook ng isang netizen. RNT/SA