Virtual mass tuloy kahit wala nang pandemya – CBCP

Virtual mass tuloy kahit wala nang pandemya – CBCP

April 12, 2022 @ 11:06 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Maari pa ring dumalo sa mga misa virtually ang mga mananampalataya  kahit na matapos na ang coronavirus pandemic, sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ni CBCP Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano na mananatili pa rin ang virtual mass kahit wala nang pandemya dahil mas marami ang naabot lalo na ang mga matatanda, mga may sakit na hindi na kayang lumabas at mga takot parin sa pandemya.

Ang National Capital Region at 48 iba pang mga lugar ay nasa ilalim ng pina-relax na Alert Level 1.

Ang lahat ng mga establisyimento at lugar ay pinapayagang mag-operate nang buong kapasidad basta’t sinusunod ang minimum health capacity.

Sinabi ni Secillano na inaasahang mas maraming tao ang dumalaw sa mga simbahan ngayong Semana Santa dahil sa pinaluwag na mga paghihigpit.

Pero pinaalalahanan niya ang mga nagsisimba na ipinagbabawal pa rin ang paghawak at paghalik sa mga sagradong imahen. Jocelyn Tabangcura-Domenden