VIRTUAL PAG-IBIG MOBILE APP, INILUNSAD

VIRTUAL PAG-IBIG MOBILE APP, INILUNSAD

August 26, 2022 @ 8:18 AM 1 month ago


MAS madali nang makita at malaman ang inyong savings, taunang dibedendo, binayarang kontribusyon, kasaysayan, loan balance, o kaya ay iba pang mga bayarin sa HDMF o Home Development and Mutual Fund na mas higit na kilala bilang Pag-IBIG Fund sa pamamagitan ng kalulunsad pa lamang na official mobile app nito na Virtual Pag-IBIG Mobile App.

Ayon kay  Department of Human Settlements and Urban Development secretary Jose Rizalino Acuzar at siyang chairperson ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang bagong inobasyon gamit ang information technology ay pagsunod sa direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. na gawing mas malapit sa mga miyembro ang serbisyo ng Pag-IBIG Fund.

Maaaring magkaroon ng access sa mobile app sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG accounts ng mga miyembro para maseguro na mapapangalagaan ang inyong data privacy at seguridad ng inyong ipon.

Sabi nga ni Pag-IBIG Fund chief executive officer Acmad Rizaldy Moti, marami pang maaasahang serbisyo mula sa Virtual Pag-IBIG Mobile App katulad ng online application para sa housing o cash loans, at maging online payments. Kanila na itong isinasaayos sa ahensiya.

Bahagi ito ng hangarin ng Pag-IBIG Fund na gawing mas madali at kombinyente ang serbisyong kinakailangan ng mga miyembro nito.

Official app ng Pag-IBIG, meron na!

Maaaring na ninyo I-Download ang Virtual Pag-IBIG app para makita ang inyong mga  naipon na savings at kinita sa dibidendo anumang oras!

Para sa Android: Google Play Store | https://play.google.com/store/apps/details…

Para sa iOS: Apple App Store | Abangan dahil malapit na rin.

Mas maraming features na ia-locked sa lalong madaling panahon, kaya install na!