Vis-Min, Bohol ‘di sasantuhin ng namumuong bagyo

Vis-Min, Bohol ‘di sasantuhin ng namumuong bagyo

March 27, 2022 @ 8:44 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Uulanin ang Silangang Visayas, Mindanao at Bohol bunsod ng namataang low pressure area (LPA), ayon sa weather bureau PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 395 kilometro silangan ng General Santos City, dagdag pa ng PAGASA.

Sinabi ng weather bureau na ang LPA ay nakahalo sa kahabaan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Mindanao.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Ang pagtataya ng bilis ng hangin ay mahina hanggang katamtaman, habang ang mga kondisyon ng tubig sa baybayin ay magiging bahagyang katamtaman. RNT