Vis-Min uulanin sa LPA

Vis-Min uulanin sa LPA

June 28, 2022 @ 6:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magpapaulan ang namumuong bagyo o Low Pressure Area (LPA) sa Visayas at Mindanao, ayon sa pagtataya ng PAGASA.

Sa 3am monitoring report ng weather bureau nitong Martes, huling namataan ang LPA sa layong 305 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon naman ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Visayas at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat / LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay makararanas din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslides sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 5:30 a.m., at lulubog ng 6:29 p.m. RNT