Visa cancellation ng higit 48,000 POGO workers, pinoproseso na

Visa cancellation ng higit 48,000 POGO workers, pinoproseso na

October 3, 2022 @ 9:06 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinimulan na ng Bureau of Immigration ang pagproseso sa visa cancellation ng 48,782 foreign empleyado ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) na na-revoke ng  Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) ang license to operate.

“Upon receipt of the information from Pagcor, we immediately started cross-checking their employees to determine which ones are still in the country,” ani Immigration chief Norman Tansingco nitong Linggo.

“While this is a laborious task as we have to check each and every record, we are confident that this could be completed in a month.”

Sa pagkansela ng kanilang visa, paaalisin ang foreign workers sa bansa sa loob ng 59 araw. Mde-deport naman ang mananatili pa rin pagkalipas ng 59 araw.

“This is the regular procedure for cancelled visas, and this is actually more economical and faster,” ani Tansingco.

Ang mga manggagawa mismo ang magbabayad ng halaga ng departure.

Samantala, nag-isyu ang Board of Commissioners ng bureau ng summary deportation order sa 372 foreigners, kung saan 331 ay Chinese at ang natitirang 41 ay ibang lahi.

Natiklo ang 372 dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation at ng Philippine National Police (PNP) sa Pasig at Angeles noong Setyembre.

Naging “hotbed” para sa Chinese gangsters ang Pilipinas nang  ipagbawal ng Vietnam at Cambodia ang Chinese-backed online gambling at overseas casinos na katulad ng POGOs, ayon kay Brig. Gen. Ronald Lee, direktor ng PNP Criminal Investigation and Detection Group.

Sa kasalukuyan, 27 ulat ng kidnapping cases pa lamang ang natatanggap ng PNP, kung saan 20 ang iniuugnay sa POGOs, base kay PNP spokesperson, Col. Jean Fajardo.

Ilang mambabatas ang nananawagan sa pamahalaan na ipagbawal ang POGOs dahil sa pagkakaugnay nito sa mga naiuulat na kaso ng pandurukot at iba pang krimen kamakailan. RNT/SA